Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang isang menor de edad sa Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora
Batay sa ulat ng Aurora PPO, isang 12-anyos na Grade 6 student ang biktima umano ng pagsasamantala ng suspek.
Una rito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mismong ina ng dalagita para i-report ang ginawa umanong kahalayan sa kanyang anak.
Base sa salaysay ng biktima, nangyari ang insidente kahapon, May 14, 2021 dakong alas-tres ng hapon.
Ayon sa biktima, pinuwersa umano siya ng binata at mga kaibigan ng dalagita na uminom ng alak sa tinutuluyang bahay ng suspek hanggang ilang oras ay nakatulog umano ang biktima at dito na isinagawa ang panghahalay.
Dahil dito, kaagad na nagkasa ng operasyon ang pwersa ng Dipaculao MPS at 2nd Aurora PMFC kung saan positibong kinilala ng biktima ang gumahasa sa kanya.
Mahaharap ang suspek sa kasong Statutory Rape na nasa pangangalaga ngayon ng mga otoridad.