GRADE 7 STUDENT MULA SA QUIRINO, SASABAK SA 2025 IWWF ASIA AT OCEANIA CHAMPIONSHIP

Cauayan City – Kakatawan sa Team Philippines 2025 International Waterski and Waterboard Federation (IWWF) Asia at Oceania Championship, ang isang Grade 7 student mula sa Cabarroguis National School of Arts and Trades.

Gaganapin ang prestihiyosong paligsahan sa January 20, 2025, sa Pampanga, kung saan magtatagisan ng husay ang mga nangungunang atleta sa larangan ng waterskiing at wakeboarding mula sa iba’t ibang bansa.

Matagal nang naghahanda si Alias para sa kompetisyong ito sa ilalim ng gabay ng kanyang coach na si Eric Pagulayan.


Ayon sa kanya, malaking oportunidad ang pagiging bahagi ng Team Philippines upang maipakita ang kanyang talento sa mas malaking entablado at makipagsabayan sa mga pinakamahusay sa rehiyon.

Bilang pinakabata sa kanyang koponan, ipinagmamalaki ni Alias ang kanyang dedikasyon at pagsusumikap sa bawat ensayo.

Umaasa naman ang mga tagasuporta ni Alias na magbibigay ng inspirasyon sa ibang kabataan ang kanyang tagumpay na abutin ang kanilang pangarap sa larangan ng sports.

Facebook Comments