Grade 9 student, Nalunod sa Ilog sa Cagayan!

159

*Tuguegarao City- **Patay ang i*sang Grade 9 Student matapos na malunod sa ilog partikular sa Josefa Bridge, Brgy. Camasi, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si pangalang Jademark Talattad Tumaliuan, 15 years old, single, Grade 9 student at residente ng Zone 7, Barangay Camasi, Peñablanca, Cagayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, base sa naging pahayag ng mga kaklase ng biktima ay sinubukan umano nitong kunin ang tsinelas ng kanyang kaklase na naianod sa tubig habang sila ay kasalukuyang gumagawa ng isang senaryo para sa kanilang proyekto sa paaralan.

Hindi umano marunong lumangoy ang biktima hanggang sa mapunta ito sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa tuluyang malunod.

Sinaklolohan naman ng mga rescuers ang biktima at dinala sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Facebook Comments