Graduating police cadet at 2 iba pang tauhan ng PNP, nagpositibo sa random drug test

Tatlong mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kasama na ang isang graduating cadet ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang nagpositibo sa random drug testing.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, inutos nya na ang pre-charge investigation at summary dismissal proceedings sa tatlong mga pulis.

Ang mga ito ay sina Cadet 1st Class John David Macagba ng PNPA, Patrolman Christian Laganzon ng Ligao City Police Station at NUP Giovanni Adulta ng Tabaco City Police Station.


Matatandaang isinagawa ang unannounced drug testing sa Class 2021 ng PNP matapos ang insidente ng pambubogbog sa isang kadete noong Bagong Taon.

Sa ulat naman mula kay Police Brigadier General Steve Ludan, sinabi nito na 260 out of 262 graduating cadets ang sumalang sa drug testing at tanging si Macagba lang ang nakitaan ng trace ng shabu.

Samantala, sina Laganzon at Adulta naman ay nailipat na sa Regional Personnel Holding and Accounting Service kahapon.

Sila ay mahaharap sa kaso na maaari nilang ikasibak sa serbisyo.

Facebook Comments