Graduating Student na Biker, Patay ng Mabangga ng Government Service Vehicle

32

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang biker makaraang mabangga ng isang government service vehicle sa Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela kahapon.

Kinilala ang biktima na si Joshua Duque, 25-anyos, binata at residente ng Brgy. Roxas, Naguilian, Isabela.


Ayon kay PCpt. Joesbert Asuncion, hepe ng Luna Police Station, binabagtas ng biktima ang lansangan patungo sa lungsod ng Cauayan hanggang sa aksidenteng mabangga ito ng paparating na pick-up ng tangkain nitong tumawid.

Nakilala naman ang suspek na si Rey Carlo Magno Dela Cruz, drayber ng NIA at residente ng Antonio, Alicia, Isabela.

Kaugnay nito, nagtamo ng matinding sugat sa iba’t iabng bahagi ng katawan ang biktima.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.




Nahaharap naman ang suspek sa kasong Reckless Imprudense resulting in homicide and damage to property na nasa pangangalaga ngayon ng pulisya.

Facebook Comments