Isang lalaking may kapansanan, nanlimos para makatulong sa mga taga-Marikina na biktima ng kalamidad

103

Isang natatanging tulong ang natanggap ng Lungsod ng Marikina buhat sa isang residente ng Barangay Mambugan, Antipolo na si Romeo Menil, 50 anyos na may kapansanan.

Si Menil ay nangolekta at nanghingi ng pera sa kalsada upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina.


Nakalikom ng halagang ₱12,390 si Menil kaya nagpasama siya sa kagawad ng kanilang barangay upang maiabot ang pera sa mga taga-Marikina.

Bagama’t may kapansanan, humanap pa rin ng paraan si Menil para makatulong sa kapwa.

Personal na tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang donasyon mula kay Ginoong Menil.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Marcy sa katangi tanging ginawa ni Menil na dapat tularan.




Facebook Comments