Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan ang dating regional director ng DPWH BiCol.
Ayon sa 7th division ng Sandigan Bayan, nilabag ni Engr. Eleno Colinares, Jr. ang panukala sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang i-authorize nito ang pag-release ng tsekeng umaabot sa halagang 362,372 at 132,836 pesos pabor sa isang Elvin Bautista na ayon sa Anti-Graft Court ay dummy lang naman daw ng dating director.
Ang nasabing halaga ay kabayaran umano sa maanomalyang car rental transaction noon pang nakaraang January 2001 kung saan involve dito ang isang Mitsubishi Pajero Intercooler Turbo.
Nadiskubre ng Commision on Audit sa pamamagitan ni state auditor Edita Nota ang anomaly ng Makita nito ang lease contract sa pagitan ng DPWH at isang Joevie Sardua para sa pagamit ng sasakyan sa halagang 1,200 pesos kada araw.
Ayon sa paliwanag ni Colinares na nag-request umano siya ng sasakyan sa DPWH Main Office para magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang regional director. Ito naman ay inaprubahan at nag-canvass ng presyo ang oipisina ng regional equipment engineer para makapag-renta ng sasakyang gagamitin ng opisina ng regional director.
Subalit napansin ni state auditor Nota na pagkatapos ng unang kontrata, ang sasakyang nerentahan ay ibinenta sa bagong may-ari kung saan pumasok na naman sa ontrata sa ikalawang pagkakataon ang DPWH Bicol sa bagong may-ari ng sasakyan na kinilalang si Elvin Bautista.
Sinabi ni colinares na nakipag-usap lamang siya kay Bautista matapos nitong bilihin ang sasakyan. Pinabulaanan ni Colinares na siya at si Bautista ay iisang tao lamang. Sinabi pa niya na si Bautista ay isang contractor umano na naka-base sa Sulu at hindi niya ito kamag-anak.
Sinabi ng Sandiganbayan na anak ni colinares si Bautista sa pamamagitan ng pagpresenta ng birth certificate ng batang lalaki na nagngangalang Bautista Colinares, born to Eleno Colinares and Evelyn Reliz Bautista sa probinsiya ng Sulu sa Mindanao.
Ang akusasyon ng Sandiganbayan ay hindi nasagot ni Colinares.
Nabigo rin si Colinares na ipaliwang kung bakit sa kanyang personal account naka-deposit ang tseke at hindi sa account ng sinasabi niyang may-ari ng sasakyang nerentahan.
Sa pagdinig ng kaso, wala ring Bautista na nagpakita sa korte na siyang magpapatunay sana na hindi siya dummy.
Sa loob ng 17 years na paglilitis, si Colinares ay hinatulang makulong ng 6 hanggang 8 taon kasama na ang parusang perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
GRAFT: 6-8 Years Kulong para sa Dating Regional Director ng DPWH Bicol
Facebook Comments