Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni Quezon City Councilor Roderick Paulate hinggil sa kinahaharap niyang graft at falsification charges.
Kaugnay ito ng pagkakaroon niya ng 30 ghost employees noong 2010.
Sa resolusyon ng anti-graft court, ibinasura nito ang urgent omnibus motion to quash ni Paulate na nahaharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at falsification of public document.
Ayon sa Sandiganbayan, walang merito ang apela ni Paulate dahil nabigyan naman siya ng sapat na panahon para idepensa ang sarili sa kaso.
Facebook Comments