Manila, Philippines – Kinasuhan na sa Sandiganbayan ang Alkalde sa Leyte at ang kanyang misis dahil sa kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ito ay may kaugnayan sa pagbebenta ng dalawa sa munisipyo ng kanilang dalawang lumang sasakyan na overpriced.
Dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa laban kina Isabel Mayor Satrunino Medina Jr., kanyang misis na si Nolette at municipal administrator na si Perla Brebante.
Sa reklamo ng Ombudsman, noong 2010 ay ibinenta sa munisipyo ng mag-asawa ang kanilang Kia Pregio van sa halagang P546,000 kahit ang market value nito ay nasa P396,000 at Mitsubishi Pajero na ibinenta ng P648,500 kahit na ang market value nito ay P600,000 lamang.
Inirekomenda ng prosekusyon ang P30,000 piyansa sa bawat kaso ng graft para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.