GRAFT CASE | Sandiganbayan, binigyan ng go signal ng SC na ituloy ang pagdinig sa kaso ni dating Isabela Gov. Grace Padaca

Manila, Philippines – Inatasan ng Supreme Court ang Sandiganbayan na ituloy ang paglilitis kay dating Isabela Governor at Elections Commissioner Maria Gracia Cielo “Grace” Padaca sa kasong graft at malversation of public funds.

Binasura rin ng Korte Suprema ang petition ng dalawa pang akusado na sina Servando Soriano at Dionisio Pine, na humihiling na bawiin ng sandiganbayan ang warrants of arrest na inilabas nito laban sa kanilang noong 2012.

Una rito ,naglabas ang Ombudsman ng finding na si Padaca ay naglabas ng P25 million sa isang pribadong foundation para sa kanyang rice program nang hindi sumunod sa panuntunan ng government procurement


Lumalabas din sa pagsisiyasat ng Ombudsman na pinaboran ni Padaca ang Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. (EDWINLFI) sa kanyang official function bilang Gubernador.

Si Soriano, na dating Municipal Councilor ay Chairman noon ng foundation habang si Pine ang manager.

Facebook Comments