Manila, Philippines – Iginiit ng Integrated Bar of the Philippines na dapat nang magpalabas ng arrest warrant ang sandiganbayan kay Congresswoman Imelda Marcos sa kaso nitong 6 counts ng graft.
Ayon kay IBP Pres. Atty Addiel Fajardo , nasa diskresyon pa rin naman ng sandiganbaya na isantabi muna ang pag-isyu ng deferment habang nireresulba ang hiling ni marcos para sa post-conviction remedies nito gaya ng paghahain ng piyansa habang nakabinbin ang apela
Malinaw naman anya sa rules of court na ang akusado ay maaring mag-avail ng mga post judgement remedies lalo na kung ang kinasangkutang krimen ay hindi kamatayan o life imprisonment.
Mag iisang linggo na matapos ibaba ng Sandiganbayan ang hatol kay ginang Marcos subalit wala pang arrest warrant dahil kailangan pang resulbahin ang isyu kung pagbibigyan o hindi si marcos para sa post-conviction remedies.
Ang hatol ng sandigan kay Marcos ay pagkakakulong ng anim hanggang 11 taon sa bawat count ng graft charges.