NAKATUTOK | Pagbabaklas sa mga commemorative plate at number 8 plate, tututukan ng PNP-HPG

Manila, Philippines – Nakatutok ngayon ang PNP Higway Patrol Group sa pagharang sa mga sasakyan na may mga commemorative plate at number 8 plate para baklasin.

Ito ay matapos na i-utos mismo ni house Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagrecall sa lahat ng number 8 plate sa mga sa saskayang nabigyan nito makaraang masangkot sa road rage ang isang negosyante at singer na nagmamayari ng sasakyang may plakang number 8 sa Angeles City Pampanga.

Ayon kay PNP HPG Director Police Chief Supt Roberto Fajardo marami na ang namemeke ng number 8 plate kaya tama lang ang desisyon ni dating Pangulong Arryo na irecall ang mga number plate.


Layon aniya nitong matukoy ang mga pekeng number 8 plate.

Nilinaw pa ni Fajardo na mayroong expiration ang number 8 plate.

Sinumang mahuling may number 8 plate at commerative plate ay babaklasin ito at titikitan na may multang 5000 pesos.

Facebook Comments