Granada, Narekober sa Bakuran ng isang Magsasaka!

244

*Jones, Isabela- *Nagkataon na narekober ng isang magsasaka ang isang kinakalawang na granada partikular sa bakuran nito sa Brgy. Usol, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang naglilinis sa bakuran gamit ang isang pala (shovel) si Ginoong Marcelo Baltazar, 53 anyos, residente ng nasabing lugar ay nakakita ito ng isang kinakalawang na pampasabog.

Agad namang iniulat ni Baltazar ang natagpuang granada sa mga nakatalagang pulis sa Checkpoint area na agad rin tumugon sa nasabing sumbong.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng 3rd platoon, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, Jones, Isabela ang narekober na bomba.

Facebook Comments