Granada, Natagpuang Nakasabit sa Gate ng Bahay ng Isang Secretary!

670

Mallig, Isabela- Natagpuan ang granada sa bahay ng isang secretary ng Alkalde pasado alas singko kaninang umaga partikular sa Brgy. San Jose Norte 2, Mallig, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng 98.5 RMN Cauayan, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng PNP Mallig hinggil sa nakitang isang granada na nakasabit sa main gate ng bahay ni Diosdado Tuliao Granado, singkwentay syete anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Agad namang nirespondehan ng PNP Mallig ang naturang sumbong kung saan narekober ng kapulisan ang isang pampasabog na nakabitin sa gate ng bahay ni Granado.

Patuloy naman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa narekober na granada.

Facebook Comments

From Advertisers