Manila, Philippines – Tinawag na grand deception o isang malaking panlilinlang ng isang labor group ang ibinulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Pangulong Duterte tungkol sa may 300,000 manggagawa na naging regular employees.
Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng* ALU*-*TUCP*, ang ipinangangalandakang na-regular na mga manggagawa ay sa ilalim lamang ng mga manpower agencies o mga labor contractors.
Aniya, ang iginigiit nila ay gawing regular ang mga manggagawa sa mga principal employer or principal business owner upang magkaroon sila ng security of tenure sa mga kumpanyang kanilang pinaglilingkuran, mabigyan standard daily minimum wage, mandatory social protection insurance, at karapatan na makapag bargain sa principal employer.
Welcome naman sa grupo ang pag amin ni Pangulong Duterte na tanging bagong batas lamang ang tutuldok sa endo.
Masaya rin sila na naisama ang boses ni Pangulong Duterte sa mga nanawagan sa kongreso na agad nang ipasa ang Security of Tenure Bill.
Gayunman, dapat ay maglabas siya ng certification para gawin itong urgent bill.