Granular lockdown, ipatutupad simula ngayong araw sa ilang lugar sa Zambales makaraang magpositibo ang isang 2 taong gulang na bata sa Delta variant

Simula ngayong araw ay magpapatupad ng mas mahigpit na granular lockdown sa lalawigan ng Zambales.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na patuloy kasing tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar at dahil na rin sa naitalang kauna-unahang Delta case sa Zambales mula sa isang 2-taong gulang na bata.

Sa ngayon, asymptomatic ang bata kung saan nakuha niya ang virus mula sa kaniyang nurse na nanay.


Nabatid na nagpositibo sa COVID-19 ang nanay at tatay nito pero ang bata lamang ang nagkaroon ng COVID-19 Delta variant.

Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng contact tracing ang lokal na pamahalaan sa mga nakasalumuha ng nagpositibong pamilya.

Nabatid na pumalo na sa 892 ang aktibong kaso sa lalawigan.

Pinakamaraming kaso na naitala ay sa Iba, Zambales na 127 active cases, sinundan ng Subic na may 128 active cases, San Narciso, 58, Castillejos, 61 at Botolan na may 54 active cases.

Sa ngayon, nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Zambales.

Facebook Comments