Granular lockdown, maaaring ipatupad sa Metro Manila at sa mga karatig na lalawigan

Posibleng granular lockdown na ang ipatupad ng pamahalaan pagkatapos ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Ayon kay Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, tanging ang mga barangay na lamang na may mataas na kaso ng COVID-19 ang maaaring ilagay sa lockdown.

Aniya, hindi na kasi kakayanin ng ekonomiya ng bansa kung palalawigin pa ang MECQ.


Kasabay nito, sinabi ni Magalong na pitong rehiyon na ang napuntahan nila para sa contact tracing.

Habang 10 rehiyon naman ang nagkaroon ng virtual training.

Facebook Comments