Simula sa susunod na taon, lalagyan na rin ng Graphic Health Warnings ang Altenative Smoking Devices.
Ang mga Graphic Health Warnings ay mga litrato kung saan ipinapakita ang mga sakit na posibleng maidulot ng paninigarilyo.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Product Research and Standards Development Project Manager Anton Javier, ang Republic Act 11346 o Tobacco Tax Law 2019 ay hindi lamang magpapataw ng buwis sa mga sigarilyo, minamandato rin nito na maglagay ng Graphic Health Warnings sa packaging ng mga Electronic Cigarettes, Vapes at Heated Tobacco Products.
Nilinaw din ni Javier, ang FDA ay may control sa E-Cigs at Vapes, pero ang Heated Tobacco Products ay saklaw ng Inter-Agency Committee for Tobacco.
Sa ngayon, ang Graphic Health Warnings ay naka-imprenta sa packaging ng mga Traditional Cigarettes sa ilalim ng Republic Act 10643 o Graphic Health Warning Law.