GRAVE MISCONDUCT | Atty. Lizada, inireklamo ang 3 tauhan ng office of the chairman

Manila, Philippines – Inireklamo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Aileen Lizada sa Ombudsman ang tatlong tauhan ng office of the chairman.

Ito ay dahil sa pagtaas sa pamasahe ng pampublikong jeepney sa Iloilo, na walang otorisasyon mula sa board member.

Ilan sa mga reklamo ni Lizada ay grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service laban sa chief of staff ni LTFRB Chairman Martin Delgra na si Manolo Labor at dalawang tauhan na sina Rose Gener at Angelo Afante.


Sinabi ni Lizada na kawawa ang mga pasahero sa istilo ng pag-iisyu ng “orders for fake hikes” kung saan kinukwestyon nito ang pag-apruba ng mga naturang opisyal sa P2.50 na fare hike petition, nang sila-sila lang.

Ayon pa kay Lizada, nirerebyu at hindi pa niya aprubado ang petisyon, pero kinuha raw ito sa kanyang opisina na isang kawalang respeto sa kanila ng tatlo.

Dagdag pa ni Lizada, tila minadali ang desisyon at ipinasa ang mataas na fare hike, na hindi naaayon sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic and Development Authority (NEDA) na dapat ay P1.50 lamang.
Sa huli, sinabi nito na hindi pwedeng palagpasin ang paglabag ng tatlong empleyado ng LTFRB.

Facebook Comments