Manila, Philippines – Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na matanggal bilang kongresista si dating Cebu Governor at ngayon ay Third District Representative Gwendolyn Garcia dahil sa Grave Misconduct.
Maliban sa pagkaalis sa puwesto, pinagbabawalan na rin ng panghabambuhay na paghawak ng anumang puwesto sa gobyerno si Garcia.
Tinanggalan din siya ng mga retirement benefits.
Inatasan na ng Ombudsman si Speaker Pantaleon Alvarez na ipatupad ang dismissal order.
Nag-ugat ito sa pagbili ni Garcia noong June 11, 2008 ng kontrobersyal na Balili property sa Tinaan, Naga, Cebu sa halagang P98, 926, 800.00.
Facebook Comments