Alinsunod ito sa Executive Order No. 21 na may lagda ni Governor James S. Edduba.
Naglalayon ang kautusan na matiyak ang kaligtasan ng Poultry Industry sa lalawigan gayundin ang pagprotekta sa mga nasasakupan nito mula sa masamang epekto ng Avian Influenza Outbreak epidemic disease.
Pinapayagan lamang ang “Pastol” o Grazing Ducks para sa mga lokal ng Kalinga upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang mga lalawigan at matutukan ang katayuan ng Avian Influenza Outbreak sa loob ng lalawigan.
Inatasan ni Gov. Edduba ang Provincial Veterinary Inspectors na mahigpit na magpatupad ng quarantine inspections ng regulasyon sa lahat ng mga papasok na domestic at wild birds na ipapatupad sa Border Quarantine Checkpoints.
Patuloy naman ang gagawing inspeksyon ng mga kinauukulan upang matiyak na hindi makakapasok ang anumang banta ng Avian Influenza Virus.