Green Film Festival ng mga SM Malls, Muling Iniarangkada!

*Cauayan City, Isabela –* Binuksan sa pangalawang pagkakataon ang Green Film Festival bilang adbokasiya ng mga SM malls dito sa bansa hinggil sa pangangalaga sa ating kalikasan at pagpigil sa lumalala at pabago-bagong klima.

Sa ipinarating na impormasyon ng SM City Cauayan, sinimulan na ang screening kahapon dito sa lalawigan ng Isabela na nilahukan ng Cauayan City National Highschool.

Nagpalabas naman ng mga pelikula at dokumentaryo ang ilang SM malls dito sa Luzon gaya ng SM City Tarlac, SM Rosales, SM Cabatuan at SM City Cauayan na tumutugon sa Climate Change at sa mga problema na kinakaharap ng ating kalikasan.


Pinamunuhan ng pinagsanib pwersa ng Department of Environment and Natural Resources at Environmental Management Bureau (DENR-EMB), sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) at SM Cinema.

Layunin ng naturang festival na pinapangunahan ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), DepEd, Commission on Higher Education (CHED) at ng SM Cinema na iparating sa mga kabataan ang nanganganib ng kalagayan ng ating mundo at kung paano tutugunan sa pamamagitan ng mga ipapalabas na educational films, documentary at visual information campaigns.

Target rin ng mga nasabing ahensya na mapanood ito ng nasa isang milyong studyante ang mga mapipiling pelikula at dokyumentaryo na libreng ipapalabas sa mga sinehan.

Muling gaganapin ang Green Film Festival sa mga SM malls sa ika- sampu ng Hulyo, Agosto katorse, ika labing isa ng Setyembre at sa ika siyam ng Oktubre taong kasalukuyan.

Facebook Comments