Manila, Philippines – Posibleng buwagin ng Bureau of Customs (BOC) ang green lanes sa mga pangunahing daungan sa bansa.
Nabatid na sinuspinde ito matapos lumusot ang 6.4 billion pesos na shabu shipment mula sa China.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña – sa 5,000 kargamento na pumapasok sa mga daungan sa bansa ay nasa 80-porsyento ang dumaan sa red lane habang nasa 20-porsyento ang minomonitor sa yellow lane.
Nakita ni Lapeña na kahit sinuspinde ang green lane para pabagalin ang proseso ay nananatiling mabilis at lalong naging maingat ang pagche-check sa mga container vans na pumapasok sa bansa.
Sa ngayon, hindi na lumalagpas sa limang araw ang pagpoproseso ng mga papeles at pagsusuri ng bawat lamang ng mga kargamento.
Facebook Comments