Isinusulong ngayon ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao ang pagiging Green Municipality.
Ang layunin ng adbokasiya at programa ay bilang tugon ng LGU sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran ayon pa kay Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu sa naging panayam ng DXMY.
Kaugnay nito, mariing pinaalalahanan ng LGU ang publiko lalo na sa mga motoristang dumadaan maging sa mga turistang bumibisita sa bayan na bawal na bawal ang pagtatapon ng basura sa kalsada, pampublikong lugar maging sa kailugan.
Samantala nauna na ring binuksan sa bayan ng DAS ang Centralized Materials Recovery Facilities na sinasabing magiging malaking tulong para sa programang recycling.
Kaya aniyang maiproseso ang mga plastics na mga basura para maging bricks habang kaya rin nitong maiproseso ang mga nabubulok na basura sa organic fertilizer.
Green Municipality target ng isang bayan sa Maguindanao
Facebook Comments