Greenhouse Facility para sa mga Vegetable Seedlings sa Cauayan City, Isabela, Pinasinayaan!

*Cauayan City, Isabela- *Pinasinayaan ngayong araw ng Pamahalaang Panlungsod ang Greenhouse facility sa Brgy. Nungnungan 1 bilang panglima sa Greenhouse na pasilididad ng Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Agriculturist Rufino Arcega ng City Agriculture Office, mayroon umanong limang Greenhouse unit ang Lungsod ng Cauayan na pinondohan ng Pamahalaang Panlungsod na papakinabangan ng animnapu’t limang barangay na nasasakupan nito.

Aniya, Layunin ng Greenhouse na mabigyan ng pangkabuhayan ang mga Cauayenos sa pamamagitan ng kanilang ibibigay na libreng vegetable seedlings sa mga kwalipikadong tatanggap sa bawat barangay na papangunahan naman ng kanilang Agricultural Technicians.


Ang mga maaaning gulay ay bibilhin rin umano ng City Agriculture Office bilang consolidator na ibebenta naman sa mga suking nagtitinda ng gulay.

Bukod pa rito ay pinasinayaan rin ngayong araw ang bagong multi-purpose drying pavement ng Brgy. Marabulig 2 at brgy. Pinoma bilang proyekto ng Pamahalaang Panlungsod.

Sa ngayon ay mayroon na umanong sampung multi-purpose drying pavement ang natapos ng City Government ngayong taon.

Facebook Comments