CAUAYAN CITY – Isinasaalang-alang ng Department of Agriculture Region 2 ang pagtatag ng mga greehous projects sa buong Lambak ng Cagayan.
Ang naturang inisyatibo ay bilang tugon sa kakulangan ngayon nang supply sa mga gulay matapos ang pananalasa ng mga bagyo sa buong lambak.
Ayon kay Regional Technical Director Roberto Busania, dahil sa kulang ang supply ng mga gulay kung kaya’t nagmahal ang mga ito sa merkado.
Dahil dito, muling binigyang diin ng ahensya ang pag-adopt sa greenhouse projects upang ma-sustain ang produksyon ng gulay at iba pang halaman.
Facebook Comments