Greta, pinatulan ang basher na tinawag siyang kabit; Josephine Estrada, pumanaw na

275

Gaya ng dati, hindi nagpatinag at pinatulan ng aktres na si Gretchen Barretto ang isang netizen matapos siyang tawaging kabit.

Nag-ugat ang isyu matapos mag-post ng video ang aktres na ipinakikita ang kanyang walk-in closet na puno ng kanyang collection ng mga mamahaling damit, sapatos at bag.


Dahil dito, tinawag ng netizen na materialistic ang aktres kung saan hindi naman daw nito sariling pera ang ginastos kundi sa long-time partner niya na si Tonyboy Cojuangco.

Sagot ng aktres – kahit anong sabihin nila na kabit siya, kailanman ay hindi daw siya makikipagtalo sa kanyang basher na tila ay naiingit lang sa kanya.

Samantala, pumanaw na ang beauty queen actress na si Josephine Estrada sa edad na 75 sa Kingman, Arizona sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat – mayroong sakit ang beauty queen at sumailalim siya sa kidney dialysis at nakatakdang sumailalim sa operasyon.

Taong 1962 na naging pambato ng Pilipinas si Josephine sa Miss Universe na ginanap sa Miami Beach Florida sa US.

Ilan sa pinagbidahan ng aktres ay “Mother Dearest”, “Sa Linggo ang Bola”, “The Might” , “Apat na Kagandahan” at “Ang Gaano Kadalas ang Minsan”.

Facebook Comments

From Advertisers