Spurs, wagi kontra Nuggets; 101-96

26

Pinatikim ng San Antonio Spurs ng unang talo ang Denver Nuggets sa game one NBA Playoffs Western Conference sa iskor na 101 – 96.

Sa simula pa lamang ng laban, hindi ma-kontrol ng Nuggets ang pagpasok ng mga tira ng Spurs.

Pinangunahan nila Demar Derozan at Derrick White ang Spurs na nakapuntos ng 18 at 16 points.

Ayon kay Demar Derozan – matinding ensayo ang kanilang ginawa para tumagal sa laban.

Mapapanood ang game two ng Spurs versus Nuggets sa Abril 17, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments