Gretchen Barreto, may panibagong pasaring kay Kris Aquino

“Kris is powerless.”

 

Ito ang pahayag ni Gretchen Barreto sa gitna ng kaso sa pagitan ni Kris at dati nitong business partner na si Nicko Falcis.

 

Paliwanag ni Gretchen, hindi siya nagsasalita dahil sa ginawa sa kanya dati ni Kris.


 

Aniya, nagre-react na siya dahil sa mahabang panahon ay may kapangyarihan si Kris at ginagawa nito ang lahat ng kanyang gusto.

 

Noong Enero nang inakusahan ni Gretchen si Kris na ginagamit nito ang impluwensya para tulungan ang kaibigan na makalusot sa problema sa buwis bagay na itinanggi naman ni Kris.

 

Habang kamakailan lang nang magbigay si Gretchen ng thanksgiving party para kay Falcis matapos mabasura ang kasong qualified theft na isinampa sa kanya ni Kris.

 

Facebook Comments