Gretchen Ho at Hidilyn Diaz hindi kasama sa ouster plot laban sa Pangulo ayon sa Malacanang

Nilinis ng Palasyo ng Malacanang ang pangalan nila Gretchen Ho at Hidilyn diaz sa publiko matapos lumabas sa mga balita na kasama ang mga ito sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte .

 

Lumabas kasi ang pangalan ng dalawa sa inilabas ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na bagong matrix kung saan kabilang ang mga pangalan ng ilang personalidad na sinasabing nagsasabwatan para pabagsakin ang administrasyon at kabilang dito ang Liberal Party at ang Magdalo Group.

 

Sa isang biglaan press briefing sa Malacanang ay nilinaw ni Secretary Panelo na hindi naman ibigsabihin na kasama ang pangalan sa matrix ka kanilang inilabas ay kabilang na ito sa mga nagpaplano na pabagsakin ang Pangulo.


 

Paliwanag ni Panelo, nandoon ang pangalan nila Ho at Diaz upang ipakita ang koneksyon ni Rodel Jayme ang gumawa ng website kung saan lumabas ang mga Bikoy Videos.

 

Sinabi ni Panelo, Jayme ay Fan nila Diaz at Ho sa kanilang Facebook Account na nagpapakita kung paano kaaktibo si Jayme sa Social Media.

 

Dinipensahan din ni Panelo kung bakit hindi niya agad ito naipaliwanag noong inilabas ang diagram o ang matrix. Ayon sa kanya, nagmamadali siya noong araw na iyon at ilang minuto lang bago ang press briefing niya natanggap ang diagram na kanyang inilantad sa Media.

 

Wala din namang nakikitang dahilan si Panelo para humingi ng paumanhin sa dalawa dahil hindi naman aniya siya ang naglagay ng pangalan ng mga ito sa Matrix at hindi din naman siya ang nagsabi na kasama ang dalawa sa mga gustong pabagsakin ang Pangulo.

 

Isinisi din naman ni Panelo sa Media ang umikot na balita dahil hindi naman aniya niya binanggit na kabilang ang dalawa sa ouster plot laban sa Pangulong Duterte.

Facebook Comments