Napiling dominant minority party ng Comelec, kinuwestyon ng LP

 

Kinwestyon ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan ang pagpili ng Commission on Elections o Comelec sa Nationalista Party (NP) is the dominant minority party.

 

Tanong ni Pangilinan, paano nangyari yun eh magkaalyado ang NP at ang PDP Laban na syang napili naman ng Comelec bilang dominant majority party.

 

Bunsod nito ay tiniyak ni Pangilinan na gagamitin nila ang lahat ng legal na remedyo para mabago ang nasabing desisyon ng Comelec.


 

Sabi ni Pangilinan, tututulan nila ang pasya ng Comelec hanggang sa Korte Suprema.

Facebook Comments