Gretchen Ho, itinanggi ang pagkakasangkot niya sa destabilisasyon laban kay PRRD

Manila, Philippines – Itinanggi ng TV-host na si Gretchen Ho ang kanyang pagkakasangkot sa ouster matrix laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang inilabas ng Malacañan ang matrix.

Sa kanyang Twitter post, iginiit ni Ho na hindi niya kilala si Bikoy at si Rodel Jayme.


Bago ito, dumalo si Gretchen sa dinner sa Malacañan na pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at partner na si Honeylet Avanceña.

Nilinaw din ni Ho na ang private dinner kasama ang Pangulo ay hindi eksklusibo para sa mga taga-suporta nito.

Facebook Comments