Manila, Philippines – Malungkot na Pasko ang sasalubong sa maraming Pilipino ngayong taon dahil sa nakatakdang pagratipika mamaya sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Tinawag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na “Grinch” na sumisira sa Pasko ang mga nag-apruba sa anti-poor na tax reform program ng gobyerno.
Aniya ang TRAIN ang magiging mabigat na pasanin na lalong magpapahirap sa mga mahihirap habang ang TRAIN ay pumapabor naman sa mga mayayaman at malalaking negosyante.
Sa halip na ang mga mayayaman at mga malalaking korporasyon na hindi nagbabayad ng tamang buwis, ang mga mahihirap pa ang target sa pahirap na TRAIN.
Mas marami aniyang mahihirap ang tatamaan sa mabigat na epekto ng TRAIN dahil sa pagtaas ng kuryente sa coal tax, pagtaas ng pamasahe bunsod ng excise tax sa mga produktong petrolyo, sweetened beverage tax, at 12% VAT na ipapataw sa mga serbisyo tulad ng shipping at energy generation.
Giit ni Zarate, balewala ang pagtapyas sa income tax dahil babawiin naman ito ng pamahalaan.
GRINCH | Tax Reform for Acceleration and Inclusion, tinawag na panira ng Pasko
Facebook Comments