Mga Labi ng Ex BM Nap Hernandez, Inihahatid na sa Huling Hantungan!

*NEWS UPDATE: *Sa ngayon ay halos hindi pa umuusad ang mga labi ni dating Isabela Board Member Napoleon “Nap” Hernandez sa dami ng mga nakilibing na tinatayang nasa sampung (10) libong katao.

Hindi naman alintana ng mga nakilibing ang nakakapasong init ng araw upang maihatid lamang sa huling hantungan sa Sinamar Norte Cemetery ang yumaong dating Board Member ng Isabela.

Kaugnay nito, dahil sa sobrang galit ng mga taong bayan ay ipininta na sa mismong lansangan ang kanilang sigaw para sa agarang hustisya kay Hernandez na pinaslang noong Hulyo 1, 2019 sa Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela matapos na dumalo sa Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa nasabing bayan.


Samantala, gagawin ng maghapon ang holiday sa bayan ng San Mateo matapos na ideklarang half day kaninang umaga ito’y matapos na ianunsyo ng legal department ng bayan ng San Mateo.

Facebook Comments