Pinigil ng Memphis Grizzlies ang tatlong sunod-sunod na panalo ng Los Angeles Lakers, 121-109, upang samantalahin ang pagkawala ng veteran star na si LeBron James dahil sa injury sa kanang paa.
Nanguna sa diskarte ng Grizzlies si Ja Morant na nagbuhos ng 28 puntos mula sa kabuuang 39 points sa third quarter pa lamang at nagdagdag pa ng 10 assists at 10 rebounds.
Sa panig naman ng Lakers nasayang ang ginawa ni Anthony Davis na nagpakawala ng 28 points at 19 rebounds.
Sa ngayon hawak ng Grizzlies ang kartada na 37-23 para sa No. 2 spot sa Western Conference.
Samantala, ang Lakers ay namemeligro naman sa 29-23 record at pinipilit na makakapit sa play-in tournament.
Una nang nadismaya si James sa kanyang foot injury at maging si coach Darvin Ham lalo na at nasa kainitan ang team sa final push para sa natitirang mga laro sa NBA bago ang playoffs.