GRO, Huli sa kasong Human Trafficking sa Bayan ng Reina Mercedes

123

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang Guest Relation Officer (GRO) matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kagabi, January 21,2020 sa Barangay. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Basha Angelica Addatu, 22 anyos, dalaga, tubong Tuguegarao City.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, dinakip si Addatu ng pinagsanib na pwersa ng Cagayan PPO, PNP Tuguegarao at Regional Intelligence Unit 2 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang Lyliha Abella-Aquino ng RTC Br. 4 Tuguegarao City para sa kasong paglabag sa RA 9208 (Qualified Trafficking in Person).

Posibleng hindi na makalaya ang akusado dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Regional Intelligence Unit 2 ang dalaga bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments