GRO, natagpuan na wala nang buhay sa Koronadal City

Koronadal City – Duguan at walang buhay nang matagpuan ang isang babae pasado ala-1:30 kaninang umaga sa Forro Subd. Purok Dalayawon, Barangay GPS, Koronadal City.

Sa imbestigasyon ng Koronadal City PNP, kinilalaang biktimang si Leah Simpal Malayon, 30- anyos, residente ng Davao City at GRO ng Paradise Disco Bar sa nasabing lungsod.

Nagtamo ng taga sa likod na bahagi ng kanyang ulo ang biktima na nagging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.


May kaugnayan naman sa droga ang tinitingnang dahilan sa pagpatay sa biktima, at sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Koronadal City PNP sa insidente.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments