Guro sa pampublikong paaralan sa Capiz, arestado sa drug buy bust operation

Panay, Capiz – Arestado ang isang public school teacher sa isinagawang drug buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit, Panay PNP at PDEA 6 sa Barangay Tanza Sur, Panay, Capiz kagabi.

Kinilala ang suspek na si Ronald Burata y Destajo 40 anyos, residente ng Barangay Cogon sa nasabing bayan. Nakuha ng mga otoridad sa kamay ni Burata ang apat na sachet ng suspected shabu, P500 na marked money at isang motorsiklo.

Si Burata ay aktibong nagtuturo sa Buntod Elementary School sa bayan ng Panay. Ayon kay PSI Romeo Mallari, hepe ng Panay PNP, matagal ng binabantayan ng mga pulis ang iligal na gawain ni Burata at isa ito sa mga new identified high value target ng PNP.


Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng nasabing guro.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments