GROCERY AT MGA DEPARTMENT STORE WORKERS, MANDATORYONG SASAILALIM SA MASS TESTING!

Baguio, Philippines – Matapos ang mandatory Covid-19 mass testing para sa mga empleyado ng mga bangko sa lungsod, mga grocery at department store workers naman ang isasailalim sa Mass Swab Testing matapos magsagawa ng case clustering ang isang grocery store sa lungsod, kung saan lahat ng empleyado ng isang grocery ang isinailalim sa mass testing noong Agosto 8 at lumabas sa resulta na sa mula sa 64 nilang manggagawa, 14 ang nagpositibo sa naturang virus.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, patunay ito na isa sa mga madaling maapekto sa naturang sakit ang mga nasa sektor na ito kung kaya nananawagan sya sa mga may-ari ng mga kumpanya ng mga grocery at department stores na alalayan nila ang kanilang mga empleyado sa pagsasagawa ng mass testing sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga ito sa bayarin ng mga gagamitin sa swab testing.

Samantala, matatandaang namang mandatoryong isinagawa ang Reverse Transcriptase- Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab testing para sa mga empleyado ng mga bangko matapos magkaroon ng kaso ang ilang bangko sa lungsod. Sa ngayon ay nakapagtala na ng 30 kaso ang sektor kaya pinapaalalahan ng alkalde ang mga ito na doblehin at palakasin ang kanilang mga health, safety protocols and standards, para sa kanilang mga manggagawa at mga customers gayun din para sa sektor ng mga department stores at groceries.


Facebook Comments