Lalaki sa US, minolestiya ang 96-anyos kapitbahay

261

MICHIGAN, US – Arestado ang isang 25-anyos na lalaki matapos molestiyahin ang 96-anyos niyang kapitbahay sa loob mismo ng bahay nito.

Base sa report ng MLive.com, Agosto 4 nang akyatin ng suspek na si Dejon Dejor Lynn ang bintana ng tinitirhan ng biktima sa Colonial Square Cooperative, Ann Arbor, isang townhouse complex.


Matapos gawin ang krimen ay natunton ng Arbor Police at Michigan State Police ang suspek dahil sa ilang ebidensya sa pinangyarihan ng insidente.

Agad nagtungo ang awtoridad sa lokasyon ni Lynn ngunit hindi ito naabutan sa kanyang bahay.

Kalaunan ay nadakip siya ng imbestigador sa Belleville at ngayo’y nasa kustodiya na ng pulisya.

Nasampahan ng reklamong first-degree criminal sexual conduct at first-degree home invasion in the attack si Lynn na nakapiit na sa Washtenaw County Jail.




Samantala, patuloy namang rumirekober ang biktima sa nangyaring atake.

Ayon sa ilang kapitbahay, mukha lamang nasa 60s ang ginang na kilalang maliksi at palakaibigan.

Facebook Comments