*Cauayan City, Isabela*- Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang Roling Stores o Grocery on Wheels na layong tulungan ang mga residente na hirap makapunta sa mga palengke sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon sa LGU, ito ay isang paraan para hikayatin ang mga tao na manatili na lamang sa kani-kanilang bahay dahil mismong mga malalaking grocery store ang magtatalaga ng drop-off points sa mga barangay sa lungsod.
Habang pinapayagan pa rin ang paglabas ng mga residente sa kani-kanilang barangay upang bumili ng ilang basic commodities gaya ng gamot, pagkain at iba pang kinakailangan gamot alinsunod sa nakapaloob sa Enhanced Community Quarantine.
Mahigpit pa rin ang isasagawang pagpapatupad sa Social Distancing, Anti-Hoarding at Regulation on Prices sa operasyon ng rolling stores.