Gross international reserve ng bansa, bumaba nitong Nobyembre – BSP

Bumaba ang Gross International Reserves (GIR) ng Pilipinas nitong buwan ng Nobyembre.

Ito ay bunsod ng ‘outflows’ mula sa pagbabayad ng gobyerno sa utang nito.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo na sa $93.9 billion ang GIR ng bansa noong nakaraang buwan.


Bahagya itong bumaba mula sa $94 billion noong Oktubre at $107 billion noong Nobyembre ng taong 2021.

Ayon sa BSP, ito may katumbas na “7.5 months” na halaga ng imports of goods and payments of services at primary income.

Samantala, ang net international reserves na pagkakaiba sa pagitan ng GIR at reserve liabilities gaya ng short-term foreign debt at ‘credit and loans’ ay bumaba rin sa $93.93 billion, mula sa 93.99 billion noong Oktubre.

Facebook Comments