Groundbreaking ng Metro Manila Subway, isasagawa na ngayong araw

*“Project of the Century”*

Aarangkada na ngayong araw ang groundbreaking para sa pagtatayo ng unang tatlong istasyon ng kauna-unahang subway o underground railway sa Pilipinas: ang Metro Manila Subway.

Nabatid na pinirmahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang main contract o ang unang bahagi ng design and build contract ng unang tatlong istasyon ng subway line.


Ang subway line ay may habang 36 na kilometro at may 15 istasyon na dadaan sa pitong siyudad, tatlong business districts sa Metro Manila at kokonekta sa NAIA Terminal 3.

Ang unang tatlong istasyong itatayo ay Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue, kasama na ang tunnel structures, ang Valenzuela Depot, at building and facilities para sa Philippine Railway Institute.

Inaasahang magkakaroon ng partial operability sa taong 2022 habang ang full operations sa 2025.

Tinatayang nasa 370,000 hanggang 1.5 million na pasahero kada araw ang masisilbihan ng Seminal Underground Railway System.

Ang Metro Manila Subway ay isa sa flagship projects ng Build Build Build Infrastructure Program ng Duterte administration.

Facebook Comments