Caloocan Bishop Pablo David, nakakatanggap ng death threat

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Caloocan Bishop Pablo David na nakatatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Matatandaang nagbigay salaysay si David hinggil sa kustodiya ng testigo sa kasong pagpatay kay Kian Delos Santos.

Ayon kay David – dalawang linggo na ng nakararaan pa siya nakakatanggap ng death threats.


Aniya, posibleng may kinalaman ito sa pagiging maboka niya laban sa kampanya kontra ilegal na droga.

Sa kabila nito, hindi lilimitahan ni Fr. David ang kilos nito at walang makakapigil sa kanyang tungkulin bilang obispo.

Facebook Comments