Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ng pinakamalaking drug rehabilitation center sa barangay Casisang, Malaybalay, Bukidnon mamayang alas-dos ng hapon.
Nagkakahalaga ang naturang pasilidad ng halos sa P700 milyon.
Ang nasabing pasilidad ay magbibigay ng serbisyo kabilang ang mga programang pangkabuhayan, capability building activities at skills training para sa nagpapaggaling na drug dependents.
Pinondohan ito ng Friends of the Philippines Foundation na pinamumunuan ng mga Chinese nationals.
Bago ito, dadalo rin ang Pangulo sa Kaamulan festival sa Capitol Grounds ng Malaybalay City.
Tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang cultural songs at dances at iba pang presentasyon na sa Bukidnon lang makikita.