200 migrants, nalunod matapos tumaob ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Libya

Manila, Philippines – Nalunod ang nasa mahigit 200 migrants matapos ang lumubog ang sinakyang bangka sa karagatan sakop ng bansang Libya.

 

Sa ulat, narekober ang limang bangkay na nagpapalutang-lutang malapit sa lumubog na bangka sa Mediterranean Sea na pawang mga kalalakihan na may edad 16-anyos hanggang 25-anyos.

 

Tinatayang mahigit 240 katao ang lulan ng bangka na mayroon lamang kakayahan na magsakay ng 100 pasahero.

 

Sinasabing patungo sa Italy ang mga migrants na lumisan sa kanilang bansa dahil sa patuloy na nangyayaring kaguluhan sa Libya.


Facebook Comments