Groundbreaking para sa Rehabilitasyon ng Drainage System sa Caritan-Balzain, Isinagawa

Cauayan City, Isabela- Isinagawa na ang groundbreaking ceremony sa panimulang rehabilitasyon ng Caritan-Balzain creek sa Tuguegarao City.

Ang nasabing groundbreaking ay pinangunahan ni Cagayan Third District Rep. Joseph ‘Jojo’ Lara kasama ang mga opisyales ng DPWH Third District.

Ani Lara, kinakailangan ang rehabilitasyon ng Caritan-Balzain Creek upang hindi na muling umapaw ang tubig na nagdulot ng malawakang pagbaha tulad ng nangyari noong nakaraang buwan.


Ang Caritan-Balzain creek ay umaagos mula sa Caritan Sur hanggang sa Balzain na patuloy na nasisira dahil sa basura at pagdami ng mga water lily.

Ayon naman kay Mariano B. Malupeng, assistant district engineer, kanyang sinabi na sa bandang huli ay natupad rin ang dating pangarap.

Facebook Comments