Pamamahagi ng Tulong Pinansyal ng DSWD sa Cagayan Valley, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin sa pamamahagi ng tulong pinansyal ang DSWD Field Office 2 sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Rehiyon dos.

Sa ilalim ng programa ng nasabing ahensya, ang mga kabilang sa indigent families na naapektuhan ng Mega flashfloods ay mabibigyan ng cash na nagkakahalaga ng Php3,000.

Una na ring nakapamahagi ang nasabing ahensya ng cash assistance na nagkakahalaga ng Php5,500 sa mga kwalipikadong pamilya sa ilalim naman ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ng Social Amelioration Program.


Sa kasalukuyan, umaabot na sa 24 na munisipalidad sa rehiyon dos ang tumanggap na ng nasabing ayuda.

Facebook Comments