Matagumpay na pinasinayaan kahapon ng Biyernes ang groundbreaking sa itatayong pabahay ng pamahalaan sa bayan ng Asingan na uumpisahan sa taong 2024.
Ang naturang pabahay ay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng pamahalaan kung saan kabuuang 960 na units o kwarto ang nakatakdang itayo sa Barangay Carosucan Norte sa bayan na may 21,351 square meters na lupain.
Ayon kay Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) 4PH regional focal person engineer Sherwin Patanao na inaasahang matatapos ang konstruksyon ng 10 gusali sa loob ng limang taon kung saan dalawang gusali ang kailangan matapos kada isang taon.
Aniya pa ang isinagawang groundbreaking ay para sa unang phase ng proyekto.
Ayon naman kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., na nagpapasalamat ang local government
unit sa proyekto dahil sila ay nagsusumikap sa pag-avail ng isang housing project para sa kanilang bayan mula pa noong 2016.
Dagdag pa nito na mayroon na silang inaprubahan na 300 aplikante, at ang ilan sa kanila ay mga overseas Filipino worker, tricycle driver, guro, at mga empleyado ng lokal at pambansang pamahalaan.
Samantala, ang housing unit na ito ay babayaran sa loob ng 30 taon, na may PHP2,600 kada buwan na amortization sa unang taon at PHP3,600 kada buwan. |ifmnews
Facebook Comments