KADIWA ON WHEELS: ANI AT KITA MULING UMARANGKADA SA PANGASINAN

Muling umarangkada sa lalawigan ng Pangasinan ang Kadiwa on Wheels: Ani at Kita sa Capitol Compound bayan ng Lingayen.
Dito nilahukan ng mga kabilang sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), mga magsasaka, kooperatiba at mga local entrepreneur mula sa iba’t ibang panig ng probinsya.
Tampok ang kani-kanilang mga produktong pang-agrikultural at iba pa.

Ang naturang kadiwa ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Provincial Agriculture Office at Department of Agriculture.
Ito ay upang matulungan ang mga kalahok sa Kadiwa na maibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan lamang ng mababang presyo ngunit magandang kalidad nito at upang maipakilala ang kanilang mga negosyo. |ifmnews
Facebook Comments